Pinsalang iniwan ng Bagyong Ramon sa cagayan, umabot sa higit 600 Milyong Piso

Umabot na sa higit 618 Million Pesos ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Ramon sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Gov. Manuel Mamba, nasa 19.8 Million Pesos ang halaga ng pinsala sa mga pananim habang nasa 1.4 Million Pesos naman ang halaga ng mga namatay na hayop.

Sa National Roads, aabot sa halos 600 Milyong Piso ang pinsala habang natamaan din ang irigasyon sa bayan ng Sta. Ana.


Facebook Comments