PRRD gustong mailatag sa bilateral meeting sa China ang Recto Bank incident

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na makuha ang assurance ng China na magtitiyak sa karapatan at kaligtasan ng mga Pilipinong nangingisda sa mga disputed territory sa South China Sea.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte kagabi sa naganap na 39th Cabinet meeting sa Malacañang.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, gusto ni Pangulong Duterte na magkaroon ng bilateral meeting ang Pilipinas at China para talakayin ang nasabing issue.


Facebook Comments