PRRD, hihintayin ang report ng MWSS ukol sa water crisis bago maglabas ng desisyon

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pangungunahan ang kanyang desisyon kung sisibakin o hindi ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Matatandaang nasermunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng MWSS at dalawang concessionaires na Manila Water at Maynilad sa Malacañang.

Ito ay kasunod na rin ng nararanasang water interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila at kalapit probinsya.


Ayon kay Pangulong Duterte, hihintayin niya ang report ng MWSS sa April 10 bago niya i-anunsyo ang kanyang desisyon sa April 15.

Nais niyang malaman kung ang water crisis ay resulta ba ng kapabayaan o labas na sa kontrol ng MWSS.

Una nang sinabi ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na magbibitiw siya sa pwesto sakaling mabigo itong maibalik ang suplay ng tubig sa 1.2 million households na sineserbisyuhan ng Manila Water.

Facebook Comments