PRRD, hindi ‘bully’ – Malacañang

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mga kritisismong siya ay ‘bully’.

Ito ay sa gitna na rin ng kontrobersyal na bullying scandal na dumagundong sa Ateneo de Manila University.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – hindi ‘bully’ ang Pangulo.


Ang mga ‘bully’ aniya ay ang mga taong naghahasik ng sakit at takot lalo na sa mga mahina at walang kalaban-laban.

Giit pa ni Panelo – ang pinagbabantaan ng Pangulo ay ang mga kriminal at mga tiwali bilang pagpaparusa sa kanilang maling gawain.

Pinagmumura rin aniya ng Pangulo ang mga ipokrito para malaman nila na hindi nila maaring lokohin ang mga tao.

Dagdag pa ni Panelo – ang galit ng Pangulo sa anumang unlawful activity ay inihahayag niya sa pamamagitan ng ‘strong’ at ‘hyperbolic’ language.

Binigyang diin pa ng Palasyo na tumatak na sa tao ang estilo ng pananalita ni Duterte at tinanggap na ito matapos ihalal sa pagka-Pangulo.

Facebook Comments