Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay sa mga pahayag nito lalo at napagkakamalan itong official declarations.
Ito ay matapos magbanta ang Pangulo na magdedeklara ng revolutionary government at ipaaaresto ang mga kritiko nito.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na hindi dapat pinapangunahan ng Pangulo ang kanyang emosyon.
Aniya, anumang inilalabas nilang pahayag bilang mga public officials ay itinuturing na polisiya.
Naniniwala rin si Robredo na iresponsable ang komento ng Pangulo dahil binabantaan nito ang kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagdedeklara ng bagay na labag sa konstitusyon.
Facebook Comments