PRRD, hindi hihingi ng public apology sa simbahang Katolika

60

Hindi mag-pa-public apology si Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahan Katolika kaugnay sa kanyang mga banat laban dito.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi hihingi ng tawad ang Pangulo dahil sinasadya naman niya ang ganitong pahayag para ipakita ang kaipokrito ng ilang mga pari.

Ginagawa lang umano ito ng mga taong panay ang puna sa gobyerno dahil wala na silang maibatong putik sa Pangulo.

Sabi pa ni Panelo, hindi naman mahalay ang kwento ng Pangulo tungkol sa paghawak umano nito sa maselang bahagi ng katawan ng kanilang katulong noong 1st year high school pa lamang ito.

Facebook Comments