Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mabibili ng sinoman sa harap ng laban nito kontra sa dalawang water concessionaires na Manila water at Maynilad.
Ayon sa Pangulo, hindi siya kayang bayaran ng salapi ng Ayala at Pangilinan sa gitna ng pagpupursige nitong alisin ang onerous provision sa concession agreement.
Kung ang iba aniyang mga Presidente ay kayang bilhin ng dalawa, sinabi ng Pangulong Duterte na iba siya kumpara sa iba.
Masyado aniya siyang mahal para mabili ng Ayala at Pangilinan upang sa huli ay bumigay sa kung ano ang mga gusto nitong mangyari sa papasukin nitong kontrata sa gobyerno.
Dagdag pa ng Pangulo na magbabayad lamang ang gobyerno ng sinasabing atraso nito sa dalawang kumpanya na 10.8 billion pesos kung muling daraan sa circumcision sina Ayala at Pangilinan.