PRRD, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra sakit

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang na huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa iba’t-ibang uri ng mga sakit.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat na ipagwalang bahala ng mga magulang ang kalusugan ng mga bata.

Aniya, opsyon naman ng mga magulang kung patuturukan ng Dengvaxia vaccine ang mga anak.


Sabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III, bumaba na hanggang 40 percent ang bilang ng mga gustong magpakabuka.

Facebook Comments