Manila, Philippines – Kinumprima ng Malacañang na naging mataas ang tensiyon sa Kamara nang dumating si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes dahil sa agawan nina Representatives Pantaleon Alvarez at Gloria Macapagal-Arroyo sa liderato ng kapulungan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magkahiwalay na kinausap ni Duterte ang kampo nina Alvarez at Arroyo.
Sabi ni Roque, hindi na niya nakita ang buong pagpupulong dahil umalis na siya at naiwang kasama ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ani ni Roque, si Medialdea ang kumausap kina Alvarez at Arroyo na irespeto ang “constitutional mandate” ng Pangulo.
Matatandanag bago dumating sa Kamara si Duterte, nagkaroon ng pagkilos ang mga mambabatas para alisin si Alvarez bilang Speaker ng Kamara at ipalit si Arroyo.
Kahit wala ang “mace” na simbolo ng awtoridad ng Kamara at walang audio sa plenaryo, pinanumpa ng kaniyang mga kaalyado si Arroyo bilang bagong lider ng Kamara.