PRRD, humingi ng patawad sa mga nabiktima ng Kapa ministry

Humingi ng patawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nabiktima ng Kapa-Community Ministry International Inc. na nasasangkot sa mapanlokong investment scheme.

Sa kanyang talumpati sa General Santos City, “too good to be true” ang investment scheme ng Kapa lalo at ang halaga ng kitang ipinapangako ay masyadong mataas, na maging ang mga local o international banks ay hindi kayang ibigay.

Dagdag pa ng Pangulo – susuntukin niya ang mga land reform beneficiaries na isasangla ang kanilang bagong lupa para makapag-invest sa Kapa.


Nagbabala rin ang Pangulo sa publiko laban sa mga investment scams.

Bago ito, ipinag-utos ng Pangulo ang crackdown sa Kapa operations at ang court of appeals ang nag-isyu ng freeze order sa mga bank accounts at iba pang assets ng religious group.

Nag-isyu na rin ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng cease and desist order laban sa Kapa nitong Pebrero.

Facebook Comments