PRRD, idineklarang “Nat’l Bible Day” ang huling Lunes ng Enero

Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang huling Lunes ng Enero kada taon na ‘National Bible Day’.

Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act 11163 noong December 20, 2018 kung saan isa itong special working holiday.

Layon ng batas na isulong ang pag-unlad ng “moral character” at “spiritual foundation” ng bawat Pilipino.


Ikinunsidera din ng batas na ang Pilipinas ang pinakamalaking Kristiyanong bansa sa Asia-Pacific.

Kinilala rin nito ang halaga ng bibliya bilang pundasyon ng paniniwala ng mga Pilipinong Kristiyano.

Facebook Comments