Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “no man’s land” ang Bulkang Taal.
Ito ay matapos irekomenda ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña ang total evacuation ng mga tao sa mga apektadong lugar at ipatupad ang “no human settlement policy” sa Taal Island.
Ayon kay Pangulong Duterte – walang sinumang ang pwedeng bumalik hangga’t hindi pa ligtas.
Aniya, inaprubahan niya ang mga rekomendasyon dahil makakabuti ito sa mga residente, para na rin sa kanilang kaligtasan at kalusugan.
Binigyang diin din ng Pangulo ang disaster preparedness ng bawat government agencies upang matiyak ang zero casualties.
Nagbigay na ang Pangulo ng 160 million pesos na halaga ng tulong sa mga evacuees.
Samantala, kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na aprubado na ng Pangulo na ipagbawal ang pagtatayo ng mga bahay sa Volcano Island.
Sa ngayon, nangangailangan si DILG Secretary Eduardo Año ng pondo para sa relocation ng mga residente.