Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng gobyerno na pabilisin ang pagpoproseso ng mga dokumento.
Ito’y dahil muling napupuna niya ang ‘Red Tape’ sa pamahalaan.
Sa kanyang talumpati sa 80th Anniversary ng Dept. of National Defense, iginiit ng Pangulo na ang mabagal na pagpoproseso ng mga dokumento ay pwedeng pag-ugatan ng korapsyon.
Hindi aniya dapat itinatambak sa lamesa ang mga dokumento at mahalagang may nailalabas agad na desisyon para rito.
Binanggit ng Pangulo ang mga kontrata, kabilang ang mga nasa militar na nakabinbin sa loob ng dalawang taon.
Facebook Comments