Manila, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya pipirma ng anumang ilegal na dokumento.
Ito ay sa gitna ng mga alegasyon na nagkaroon ng pagbabago sa proposed 2019 national budget kahit niratipikahan na ito ng Kamara at Senado.
Sa kanyang talumpati sa Awarding Ceremony for the Outstanding Women in Law Enforcement and National Security of the Philippines sa Malacañang, binanggit ng Pangulo ang mga negatibong epekto kapag patuloy pa ring ipinatutupad ang reenacted budget.
Una nang tiniyak ng Malacañan na bubusisiing mabuti ni Pangulong Duterte at ng executive department ang budget bill.
Gagamitin din ng Pangulo ang veto power kung may ilang probisyon sa panukalang budget ay bigong tumalima sa Supreme Court (SC) ruling.