PRRD, iginiit na wala nang saysay pang makipag-usap sa mga rebeldeng komunista

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko na siya sa pakikipag-usap ng mapayapa sa mga rebeldeng komunista.

Ito ang pahayag ng Pangulo ilang araw pagkatapos niyang permanenteng tinapos ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay Pangulong Duterte – wala nang silbing makipag-usap sa mga rebeldeng komunista lalo at kung patuloy lang naman silang naghahasik ng kaguluhan.


Sa loob ng ilang dekadang pag-uusap, wala pa ring nagbago.

Tiniyak naman ng Pangulo na hindi siya susuko upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Facebook Comments