PRRD, ikinalungkot ang pag-iral ng feudalism sa bansa

Ikinalulungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiiral pa rin sa bansa ang feudalism.

Kasabay nito, binanatan din ng Pangulo ang mga pulitikong gumagamit ng dahas para manalo sa eleksyon.

Ani Duterte, nais lamang ng mga ito na magpakasarap sa pera kaysa pagsilbihan ang publiko.


Nagbabala rin ang Pangulo sa mga sakim na government officials na gagamitin ang kanilang opisina para gumagawa ng ilang ilegal na aktibidad gaya ng illegal drug trade.

Una nang tiniyak ng Pangulo ang mapayapa at malinis na halalan.

Facebook Comments