Sec. Mariano, sinisi sa mabagal na land conversion process

Manila, Philippines – Inabswelto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones sa mabagal na land conversion cases sa bansa.

Sa halip, isinisi ng Pangulo ang problema kay dating DAR Secretary Rafael Mariano.

Ayon sa Pangulo – hindi kasalanan ni Castriciones ang mabagal na pagpoproseso ng land conversion applications lalo at itinalaga lamang siya bilang kalihim noong nakaraang taon.


Matatandaang sinabi ng Pangulo na nag-walk out siya sa isang cabinet meeting matapos niyang malaman ang napakahabang listahan ng requirements para sa land conversion.

Inatasan na ng Pangulo si Castriciones na bigyan siya ng update tungkol sa requirements para sa land conversion.

Iginiit din ng Pangulo na kailangang mawala ang korapsyon para sa pag-asenso ng bansa.

Facebook Comments