PRRD, inakusahan si Trillanes na nasa likod ng ‘Bikoy’ videos

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senador Antonio Trillanes ang siya umanong nasa likod ng pagpapakalat ng Bikoy’s videos.

Bukod kay Trillanes, isinangkot din ng Pangulo ang katunggali ngayon ng administrasyon sa eleksyon na Otso Diretso at grupong Magdalo. Ayon pa kay Presidente Duterte, isang sundalo na kaalyado ni Trillanes ang siyang pumapel na Bikoy sa mga nasabing kontrobersyal na video.

Inanunsyo niya ito kagabi sa isang campaign rally sa Davao City.


“Actually ‘yang Bikoy Bikoy, Magdalo ‘yan at Otso Diretso. Production ni Trillanes,” sabi ni Duterte sa salitang Cebuano.

Ngunit, ipinahayag ni Digong na wala siyang balak na magsampa ng reklamo.

Ang serye ng Bikoy’s video ay nag-akusa sa Pamilya Duterte partikular kay presidential son Paolo Duterte, Atty. Mans Carpio (asawa ni Davao Mayor Sara Duterte) at kaalyadong Christopher “Bong” Go na sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments