PRRD, inatasan si Labor Sec. Silvestre Bello III na kausapin si Communist Leader Jose Maria Sison

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Sec. Silvestre Bello III na magtungo sa the Netherlands para makipag-usap kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison.

Ayon sa Pangulo, seryosyong problema ang insurgency sa bansa kaya mahalagang panatiling may nakabukas na ‘channel’ para sa negosasyon.

Matatandaang hindi na itinuloy ng Pangulo ang Peace Negotiations sa mga rebeldeng komunista noong November 2017 kasunod ng patuloy na pag-atake sa mga awtoridad at sibilyan.


Una nang sinabi Malacañan, pwedeng buhayin ng susunod na Administrasyon ang usapang pangkapayapaan, pero dapat ipakita muna ng Communist Rebels na sinsero sila sa Peace Process sa pamamagitan ng pagsuko at pagpapahinto ng anumang uri ng karahasan, extortion, at pagsira sa mga Public Infrastructure at Private Properties.

Facebook Comments