PRRD, isinulong na muling buhayin ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection

PHOTO FROM REUTERS

Sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), muling hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga.

“I reiterate the swift passage of the law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” ayon kay Duterte nitong Lunes.

Giit pa ng pinuno, malaking tulong ang nasabing batas upang mapababa ang kriminalidad sa Pilipinas. Bukod dito, maisasalba rin nito ang kinabukasan ng maraming kabataan.


Hindi ito ang unang beses na isinulong ng Presidente ang pagbuhay sa death penalty. Kung maalala, kabilang ang naturang usapin sa “priority bills” na kaniyang nabanggit sa nakaraang SONA.

Taong 2006 nang tanggalin ng pamahalaan ang parusang bitay, na kadalasang ipinapataw sa mga taong napatunayang gumawa ng heinous crime kagaya ng rape, kidnapping, at illegal drugs.

Facebook Comments