Itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limang milyong piso ang pabuya sa makakatimbre sa kinaroroonan ng mga suspek na pumatay sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Oriental.
Matatandaang ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang itinuturong nasa likod ng pagpatay.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – nagbabala ang Pangulo sa mga miyembro ng NPA na pagmamalabis na ang kanilang ginagawa laban sa mga pulis at sibilyan.
Maliban sa apat na pulis, napatay din sa shooting incident ang dating mayor ng Ayungon na si Edsel Enardecido at pinsan nito.
Pagkatapos nito, hiwalay na pinagbabaril ang isang konsehal ng Canlaon City at isang barangay kapitan.
Aabot sa halos 19 na bilang ng mga pagpatay ang naitala sa Negros Oriental.
Itinanggi ng NPA na sila ang responsable sa pagpatay.