PRRD, iva-validate pa ang ulat ng PACC na may 2 miyembro ng gabinete na dawit sa katiwalian

Manila, Philippines – Bineberipika pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat ng Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) na may 2 miyembro ng gabinete na dawit umano sa korapsyon.

Ayon kay Chief Presidential Legal counsel at spokesman Salvador Panelo, hindi sapat ang imbestigasyong ginawa ng PACC.

Awtomatiko aniyang iva-validate ng Pangulo ang anumang impormasyong ibinigay sa kanya ng PACC.


Sinabi pa ni Panelo na hindi nito tiyak kung napasakamay na ng Pangulo ang report.

Una nang ibinunyag ni PACC Commissioner Greco Belgica na 2 miyembrong ng gabinete ang sangkot umano sa katiwalian pero tumanggi muna itong pangalanan.

Bukod dito ay una na ring sinabi ni Belgica na may undersecretary at assistant secretary din silang iniimbestigahan na may kinalaman naman sa labis na pagbiyahe sa labas ng bansa.

Facebook Comments