PRRD, kumpiyansang hindi siya mauusig ng ICC

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mauusig ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kanyang kampanya kontra droga.

Sa kanyang talumpati sa Bonifacio Day Celebration, iginiit ng Pangulo na hindi siya pwedeng i-prosecute ng ICC sa loob ng isang libong taon.

Nanindigan din ang Pangulo na hindi mapapatunayan ang Extrajudicial Killings.


Binanggit din ng Pangulo na hindi nailathala sa Official Gazette ang pagratipika ng Pilipinas sa Rome Statute, na siyang nagtatag ng ICC.

Nabatid na nahaharap si Pangulong Duterte sa dalawang communication o reklamo sa ICC kaugnay sa Crimes Against Humanity dahil sa War on Drugs.

Binuksan din ng ICC nitong Pebrero ang Preliminary Examination para malaman kung mayroon silang hurisdiksyon hinggil dito.

Nitong Marso, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang pagbawi ng Pilipinas sa Ratification ng Rome Statute.

Facebook Comments