Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 38th & 39th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit & related summits.
Ilan lamang sa mga natalakay sa opening remarks ng mga lider ng ASEAN ay ang patuloy na epekto ng COVID-19 pandemic sa rehiyon gayundin ang nagpatuloy na COVID-19 recovery efforts & response ng bawat nasyon.
Natalakay rin ang ASEAN Community Building initiatives at regional at international developments.
Para sa ASEAN Summit ngayong taon, inaasahan na nasa 20 dokumento ang ia-adopt na mayroong kinalaman sa mga usapin at kooperasyon sa rehiyon.
Kaugnay nito, nananawagan din ang ASEAN leaders para sa pagbuhay at pagpapasigla ng ekonomiya ng rehiyon, kasabay ng pagbibigay importansya sa health at safety ng rehiyon sa gitna ng pandemya.
Kapwa isinulong rin ng lahat ng ASEAN leaders ang equitable access sa bakauna.
Habang hinihikayat din ng mga ito ang pag-a-adopt sa ASEAN travel corridor arrangement framework para sa ligtas na pagpapanumbalik ng essential travel sa mga mamamayan ng ASEAN countries na siyang makakatulong sa economic recovery.
Nabatid na ang Brunei Darussalam ang host country ngayong taon.