PRRD, magpapatawag ng special session sa Kongreso para humiling ng supplemental budget para labanan ang COVID-19

Nais magpatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso kaugnay sa pagpasa ng supplemental budget para matugunan ng gobyerno ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sa statement, sinabi ni Senator Bong Go, sina Senate President Tito Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano ay handa nang magsagawa ng pulong sa lalong madaling panahon, posibleng bukas o sa Lunes.

Base sa napag-usapan, prayoridad na mailaan ang dagdag na pondo sa healthcare, financial at food assistance para sa mga pilipino, lalo na sa vulnerable sectors, daily wage earners, at informal sector workers na apektado ng mahigpit na quarantine.


Sinabi naman ni Presidential Spokespersn Salvador Panelo, mahalagang maipasa ang PHP1.6 billion pesos na supplemental budget dahil seryoso ang pangulo na puksain ang nasabing virus.

Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Nationwide State of Calamity kung saan gagamitin na ng pamahalaan ang quick response funds para magbigay ng basic goods tulad ng pagkain at medical supplies sa frontline workers.

Kailangan din ng gobyerno ng dagdag na pondo para suportahan ang mg a pamilyang mawawalan ng pagkakaitaan o kabuhayan dahil sa suspensyon ng public transportation, at iba pang non-essential establishments.

Facebook Comments