Magkakaroon ng part 2 ang ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque pero hindi n’ya batid kung ito ay maieere mamayang gabi o bukas na ng umaga.
Paliwanag ng kalihim, magdedepende kasi ito kung maagang matatapos ang kanilang pagpupulong.
Sa mga naunang pahayag ng pangulo, mismong ito ang nagsabi na gagawin na niyang regular ang dalawang beses na ‘Talk to the People’ sa kada linggo.
Nais kasi niyang maipaliwanag nang husto sa taumbayan ang mga isyung kinakaharap ng bansa gayundin ang pagbibigay ng update sa ginagawang COVID-19 response ng pamahalaan.
Matatandaang kahapon ng umaga umere ang taped ‘Talk to the People’ ng pangulo kung saan inatasan nito ang Cabinet officials na ipagbigay alam muna sa kaniya ang pagdalo sa Senate hearing.
Ginagamit lamang kasi ng ilang senador ang pagdinig bilang in aid of election at hindi na in aid of legislation.