PRRD, nag-sorry sa 22 Pilipinong mangingisda ng F/B Gem-Ver 1

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa 22 Pilipinong mangingisdang inabandona at pinalubog ang sinasakyang bangka ng Chinese vessel sa Recto Bank.

Ito ang pahayag ng Pangulo matapos madismaya ang mga mangingisda sa kanyang katayuan hinggil sa insidente.

Nanindigan din ang Pangulo na isa lamang itong “maritime incident.”


Ayon sa Pangulo – ang Recto Bank, na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ay inaangkin din ng China.

Hindi rin niya minamaliit at iniitiyapuwera ang hinaing ng mga mangingisda, pero punto lamang ng Pangulo na walang namatay sa insidente.

Muli ring sinabi ng Pangulo na bukas siya sa anumang imbestigasyon kaugnay ng alission.

Facebook Comments