Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may-ari ng lupang nakatakdang isailalim sa agrarian reform at tutol sa pamamahagi nito sa mga benepisyaryo.
Sa kanyang talumpati sa Tagum City, iginiit ng Pangulo na nararapat lamang na maibigay na ito sa mga benepisyaryo.
Sinabi pa ng Pangulo – na may ilang mayayaman sa ilang siyudad at probinsya ay tinatapik ang ilang armadong grupo para kontrahin ang land reform.
Muling nanawagan ang Pangulo sa mga rebelde na sumuko at titiyakin niyang bibigyan niya ang mga ito ng pabahay, trabaho at kabuhayan.
Batid ng Pangulo ang insurgency problem sa bansa dahil na rin sa kakulangan ng gobyerno sa pagbibigay sa publiko ng serbisyo.
Sinabi rin ng Pangulo na handa siyang makipag-usap sa local communist leaders.
Hinimok ng Pangulo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Task Force Balik-Loob at kanilang local counterparts na mag-doble kayod para resolbahin ang insurhensya.