Iran, hindi makikipagnegosasyon para sa kanilang missile program

Itinanggi ng Iran na bukas silang makipagnegosasyon tungkol sa kanilang Ballistic Missile Program.

Iginiit ng Islamic Republic na ito ay defensive at non-negotiable.

Una nang sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo na nagbigay ng signal ang Iran para makipag-negotiate, kung saan sinabi ni President Donald Trump na mayroong progreso na sa usapin.


Facebook Comments