PRRD, nagbantang kakasuhan ng Economic Sabotage ang dalawang Water Concessionaire

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na ilabas ang katotohanan tungkol sa mga kontrata ng dalawang Water Concessionaires.

Ayon sa Pangulo, dapat sabihin ni Drilon sa taumbayan kung makakabuti ba para sa mamamayan ang kontratang pinasok ng gobyerno sa MAYNILAD AT MANILA WATER.

Sinabi pa ng Pangulo na hahatakin niya si Drilon kapag bumaba siya sa pwesto.


Iginiit ng Pangulo na ang may iregularidad sa mga kontrata dahil naglalaman ito ng mga probisyon na humaharang sa gobyerno na mangialam sa rate adjustments, maging sa pagpapahintulot ng indemnity claims.

Pinuna rin ng Pangulo ang pag-kategorya sa tubig bilang isang commodity at hindi bilang isang natural resource.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng Arbitration Court sa Singapore na inaatasan ang Philippine Government na bayaran ang Maynilad ng 3.6 Billion Pesos at Manila Water ng 7.4 Billion Pesos dahil sa lugi mula sa hindi naaprubahang rate increase.

Facebook Comments