Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kukunin ng gobyerno ang operasyon ng serbisyo ng tubig sa Metro Manila.
Ito’y kapag nabigo ang Maynilad at Manila Water na magbigay ng maayos na paliwanag tungkol sa kinukwestyong Concession Agreements.
Sa kanyang talumpati sa Malacañang, muling sinabi ng Pangulo na nais niyang pulungin ang mga kinatawan ng dalawang Water Concessionaires at State Lawyers para talakayin ang 1997 Water Concession Agreement.
Pinuna ng Pangulo ang extension ng Concession Agreements hanggang 2037, bago pa man mapaso ang kontrata nito sa 2022.
Una nang sinabi ng Palasyo na pwedeng akuin ng gobyerno ang operasyon ng Public Utilities sa oras ng Sakuna o Emergency Situation.
Facebook Comments