Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang full-scale attack o all out war laban sa mga rebeldeng komunista.
Ayon sa Pangulo – pinakikilos na niya ang buong pwersa ng gobyerno na labanan ang komunismo.
Iginiit din ng Pangulo na tatapusin niya ang naturang problema sa loob ng kanyang termino.
Matatandaang noong November 2017 sa ilalim ng Presidential Proclamation 360, tuluyan nang tinapos ang peace talks sa communist rebels.
Naglabas din ang Manila Court ng arrest order laban kay Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison kaugnay sa Inopacan massacre.
Nakipag-ugnayan na rin ang PNP sa interpol para isilbi ang arrest order kay Sison, na naka-exile sa The Netherlands kung saan iginigiit niya na protektado siya bilang isang political refugee.