PRRD, nagdeklara na ng tigil-putukan sa mga rebeldeng komunista

Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceasefire sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ito ay sa harap ng ginagawang hakbang ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang unilateral ceasefire ay epektibo na simula ngayong araw at magtatagal hanggang April 15.


Inatasan na ng pangulo ang Department of National Defense (DND) at Department of Interior And Local Government (DILG), Armed Forces of the Philipines (AFP), at Philippine National Police (PNP) na ihinto ang paglulunsad ng offensive military at police operations sa loob ng ceasefire period.

Sa pamamagitan nito, umaasa ang gobyerno na mapapabilis ang paghahatid ng public health assistance partikular ang movement ng health workers at medical supplies sa mga komunidad.

Facebook Comments