Pagpapalakas ng infrastructure development lalo na sa mga liblib na lugar, pagtataguyod ng literacy gayundin ang pagtiyak sa pagkakaroon ng abot-kayang suplay ng enerhiya para sa mga malalayong lugar.
Ilan lamang ito sa inilatag na mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang naging intervention sa APEC Economic Leader’s Dialogue ngayong araw.
Ayon sa pangulo, mahalagang mapabilis pang lalo ang pagpapaunlad ng kaalaman sa marginalized groups gayung malaki aniya ang maiaambag nito sa economic productivity.
Binigyang diin pa ng Punong Ehekutibo ang importansiya sa pagkakaroon ng tinatawag na national Social Protection Floor o SPF lalo’t dahil sa COVID-19 pandemic ay nalimitihan ang social protection programs ng APEC community.
Aniya, kailangan talaga rito ng suporta mula sa APEC Business Advisory Council para matulungang makabangon ang mga labis na naapektuhan ng pandemya.