PRRD, nais ituloy ang pagpapatupad ng total ban sa paputok

Manila, Philippines – Wala pang pasya sa ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte kung muli nitong ipatutupad ang paghihigpit sa pagbebenta ng mga paputok gaya ng kanyang ipinatupad noong isang taon.

Pero ayon sa Pangulo kung siya ang tatanungin ay gusto niya talagang ipahinto na ang pagbebenta ng paputok para wala na talagang maitalang fire cracker related injury taon- taon.

Aminado si Duterte na hindi maituturing na isang krimen ang firecracker possession at kung tutuusin ay nasa kapangyarihan na aniya ng mga LGU ang pagpapasya para magpatupad ng total ban sa mga paputok.


Ito ayon sa Pangulo ang kanyang ginawa sa Davao sa mahabang panahon noong siya ang alkalde doon na hindi lamang paputok ang kanyang ipinagbawal kundi pati na ang paninigarilyo at pag-inom sa publiko.

Matatandaan, noong isang taon ay inisyu ng Presidente ang EO 28 kung saan ipinagbawal ang pagbebenta ng mga malalakas na uri ng paputok dahilan upang maitala ang 34 percent na pagbaba sa kaso ng mga nadidisgrasya dahil sa paputok.

Facebook Comments