Panawagang ipatigil ang war on drugs, mariing kinontra ng isang senador

Manila, Philippines – Mariing tinutulan ni Senator Christopher Bong Go ang panawagan ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Duterte na itigil na ang tinawag niyang palpak na kampanya kontra illegal drugs.

Giit ni Go, salot ang illegal drugs na sumisira sa bawat pamilya oras na mayroong isang miyembro nito na maging adik o biktima ng drugs.

Tiwala si Go na itutuloy ni Pangulong Duterte ang war on drugs hanggang sa huling araw ng termino nito sa kabila ng mga panawagan laban dito.


Kaugnay nito, ay umapela si Go sa mga kabataan na huwag susubukang tumikim man lang ng droga para hindi maging biktima.

Ipinaliwanag ni Go, na ginagawang robot ng droga ang utak ng sinumang gumagamit nito.

Facebook Comments