PRRD, nais magpatupad ng isang gross income taxation system

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang isang gross income taxation system para sa computation ng corporate taxes upang mabawasan ang korapsyon sa gobyerno.

Ayon sa Pangulo, ang pagpalit sa net income patungong gross income ay makakapigil sa korapsyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Aniya, kung ang gross income taxation system ang gagamitin sa computation ng corporate taxes ay hindi na kakailanganin pa ang tax examiners.


Itinuturo ng Pangulo ang tax examiners na nakikinabang sa kasalukuyang sistema ng corporate tax collection.

Naniniwala ang Pangulo na kapag sinunod ang ganitong sistema tulad sa ibang bansa, 70 porsyento ng korapsyon sa gobyerno ang mawawala.

Facebook Comments