Simula nang pumutok ang Bulkang Taal kahapon, nakamonitor na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo gusto sanang bumalik pa-Maynila kagabi ng Pangulo pero hindi pinahintulutan bunsod ng ashfall.
Pero pasado alas dyes kanina nang lumanding ang eroplano ng Pangulo sa NAIA mula Davao city.
May nakatakdang aktibidad mamayang alas kwatro ng hapon si Pangulong Duterte sa Fort Bonifacio Taguig city at sa abiso ng palasyo, sa ngayon ay wala pa namang kanselasyon dito.
Bibisita ang Pangulo sa Philippine marine corps sa fort Bonifacio para magkaloob ng awards at mga baril sa ilang kagawad ng Philippine marine corps.
Gayunpaman sa facebook page ng Philippine information agency ang nakatakdang pagtungo nito bukas sa san isidro leyte ay kinansela na umano ng malakanyang dahil sa patuloy pa ring nararanasang ashfall
Nabatid na mamimigay sana ang pangulo bukas ng mga benepisyo sa dating mga rebelde at ngayon ay nagbalik loob na sa gobyerno.