PRRD nakarating na ng Bangkok, Thailand para sa pagdalo ng 34th ASEAN Summit

Nakarating kagabi sa Bangkok, Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pagdalo sa 34th ASEAN Summit ngayong araw hanggang bukas.

Sinalubong si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang mga gabinete na sina Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Finance Secretary Carlos Dominguez, Agriculture Secretary Manny Pinol, Trade Secretary Ramon Lopez, Social Welfare Secretary Rolando Bautista, Communications Secretary Martin Andanar, Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, Transportation Secretary Arthur Tugade at Tourism Secretary Berna Puyat.

Sa pahayag ni Pangulong Duterte para sa ASEAN Summit ay sinabi nito na isusulong niya ang mga paraan para mapalalim pa ang pagtutulungan at inclusivity ng mga ASEAN country pati na rin ang pagkakaroon ng patas at sustainable na economic development sa buong rehiyon.


Isusulong din ng Pangulo ang pagtataguyod ng karapatan ng mga migrant workers.

Ilalatag din ni Pangulong Duterte ang mga regional at global issues na nakakaapekto sa security, stability at paglago ng Southeast Asia at maging ng Asia Pacific Region.

Kabilang aniya sa mga issue na ito ay ang mga developments sa South China Sea, nagpapatuloy na US-China trade war, terorismo, violent extremism, climate change at transnational crime lalo na ang illegal drug trafficking.

Facebook Comments