PRRD, nakatakdang magdesisyon kaugnay sa kapalaran ng mga MWSS official

Magdedesisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kapalaran ng mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ito ay may kaugnay sa kawalan ng kahandaan ng MWSS sa El Niño phenomenon na nauwi sa kakulangan ng supply ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon sa Pangulo – mayroon siyang self-imposed deadline hanggang ngayong araw, April 15 para makapagpasya kung sisibakin o hindi ang opisyal ng MWSS dahil sa naranasang krisis sa tubig.


Bukod dito, pagdedesisyunan niya kung ire-renew o hindi ang kontrata ng mga water concessionaires.

Binanatan din ng Pangulo ang MWSS dahil kung hindi pa niya pinagsabihan ang mga ito ay hindi ito magmamadali na maibalik ang supply ng tubig.

Samantala, naglabas na ng abiso ang National Water Resources Board (NWRB) na malapit nang bumaba sa critical level ang tubig sa Angat Dam at pinayuhan ang mga residente sa Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.

Facebook Comments