PRRD, nakipagkita sa magulang ng dalagang namatay sa drug overdose sa Cebu

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakipagkita siya sa mga magulang ng teenager na nasawi dahil sa umano’y drug overdose sa Cebu City noong nakarang buwan.

Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng mga opisyal ng barangay sa Legazpi City sinabi ng Pangulo na pumunta sa kanyang tanggapan ang mga magulang ni Ashley Abad.

Matatandaan na si Abad ay namatay dahil umano sa party drugs nang dumalo ito sa Sinulog party noong January 19.


Dahil sa nasabing insidente, iginiit ng Pangulo na wala siyang narinig mula sa human rights nang mamatay ang dalagita na ang kaso ay isang patunay na sinisira ng droga ang buhay ng mga kabataan sa bansa.

Bukod dito, wala nang ibinigay na ibang detalye si Pangulong Duterte sa pagkikita nila ng mga magulang ni Ashley.

Facebook Comments