Phoenix, tinalo ang Warriors; 83-82

Nasungkit ng Phoenix Fuel Masters ang kanilang ikalimang sunod na panalo kontra NLEX Road Warriors sa 2019 PBA Philippine Cup.

Tinalo ng Phoenix ang NLEX sa score na 83-82 kung saan isang game-winning block ang ipinamalas ni Calvin Abueva bukod pa sa 13-points at 11-rebounds nito.

Dahil sa panalo, nangunguna ngayon sa team standing ang Phoenix na may 5-0 win/loss record.


Samantala, hindi pinaporma ng Rain or Shine Elasto Painters ang NorthPort Batang Pier sa kanilang naging laban sa score na 107-100.

Facebook Comments