PRRD, naniniwalang hindi siya gusto ng media

Marikina City – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya gusto ng media base na rin sa mga inilalabas nilang balita tungkol sa kanya.

Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Marikina City kagabi, sinabi ng Pangulo na naglalabas ng propaganda ang media laban sa kanya dahil hindi siya elitista.

Pero binigyang diin ni Pangulong Duterte na inihalal siya ng taumbayan.


Dagdag pa ng Pangulo na kayang gumawa ng istorya ang media mula sa isang pahayag o linya.

Inihalimbawa ng Pangulo ang pagpapalaki ng media sa kanyang kwentong “ginalaw” niya ang kanyang kasambahay noong siya ay binata pa.

Iginiit din ng Pangulo na patuloy siyang magmumura sa publiko upang may magawang istorya ang media.

Muli ring binigyang diin ng Pangulo na hindi siya statesman.

Matatandaang paulit-ulit na binabantaan ng Pangulo ang online news site Rappler, ang pahayagang Philippine Daily Inquirer at ang TV network na ABS-CBN dahil sa hindi patas na coverage noong 2016 campaign period.

Facebook Comments