PRRD, naniniwalang kikilalanin ding “statesman” si MILF founder Misuari

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na balang araw ay makikilala rin si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Founding Chairperson Nur Misuari bilang isang statesman o political leader mula sa pagiging revolutionary warrior.

Ayon sa Pangulo – plano niyang makipag-usap kay Misuari para i-usad ang peace process sa Mindanao.

Iginiit din ng Pangulo na nais niyang pabilisin ang prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.


Aniya, handa siyang magbigay ng “concessions” sa mga Moro partikular ang pag-reconfigure ng mga teritoryo.

Ang planong pulong ng Pangulong Duterte kay Misuari ay kasunod ng pagratipika ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa nangyaring plebisito kamakailan.

Facebook Comments