DOT, magkakaroon ng pulong kasama si Catriona Gray

51

Manila, Philippines – Magpupulong ang Department of Tourism (DOT) kasama si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa posibleng kolaborasyon para sa promotion ng tourist destinations sa Pilipinas.

Ito ay matapos ilunsad ng ahensya ang mas pinabuhay na “It’s More Fun in the Philippines” campaign.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat – ang pulong kasama si Catriona ay itinakda sa susunod na linggo.

Binanggit din ng kalihim na dati na niyang nakatrabaho ang 25-year old beauty queen.

Naglabas si Catriona ng tatlong tourism videos na itinatampok ang heritage at culture ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Si Gray ang ika-apat na pambato ng Pilipinas na nakauwi ng korona ng prestihiyosong pageant.

Facebook Comments