Wala na ngang atrasan pa ang pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para sa eleksyon 2022.
Ito ay makaraang lagdaan ng pangulo ang kaniyang Certificate of Nomination and Acceptance o CONA.
Ayon kay PDP-Laban Sec. Alfonso Cusi, nangangahulugan lamang ito na tuloy na tuloy na ang pagtakbo ni PRRD bilang bise presidente ng partido sa nalalapit na halalan.
Aniya, sa kaso naman ng nominasyon nila kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang presidente o standard bearer ng partido, sinabi ni Cusi na hindi pa ito pirmado.
Facebook Comments