PRRD, pabor na palitan ang “Pilipinas” bilang “Maharlika”

Manila, Philippines – Sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa ideya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos palitan ang pangalan ng bansa.

Mula sa “Philippines” o Pilipinas ay papangalanan ang bansa bilang “Maharlika”.

Ayon sa Pangulo – ang “Pilipinas” ay kinuha lamang mula sa namayapang hari ng España.


Sinabi ng Pangulo na tama si Marcos na gawing “Maharlika” ang pangalan ng bansa dahil galing ito sa salitang Malay.

Dagdag pa ng Pangulo – bago pa man sakupin ang bansa ng mga Kastila, ang Malay ang mga orihinal na ninuno ng mga Pilipino.

Sa Pilipinas, ang salitang “Maharlika” ay dating tumutukoy sa mga sinaunang mandirigma ng mga Tagalog sa Luzon, pero sa modern Filipino ay ginagamit na ang salita bilang isang taong miyembro ng “royal nobility.”

Facebook Comments