Pag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papayagan ang mga imbestigador ng United Nations na makapasok ng Pilipinas para siyasatin ang mga pagpatay sa ilalim ng giyera kontra droga.
Ito ay matapos katigan ng UN Human Rights Council ang draft resolution para imbestigahan ang drug war at ipahinto ang extrajudicial killings.
Ayon sa Pangulo – kailangang malaman muna ang kanilang purpose at i-re-review niya ito.
Giit pa ng Pangulo ay dagdag lamang sila sa intriga.
Una nang sinabi ng Malacañan na anumang international investigation sa anti-drugs campaign ay panghihimasok sa soberenya ng Pilipinas.
Facebook Comments