PRRD, pangungunahan ang kick-off campaign ng mga senatorial candidate na susuportahan niya

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng kampanya para sa halu-halong pambato niya sa pagkasenador sa midterm elections sa Mayo.

Ito ang ibinunyag ni Senatorial Candidate, dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino.

Ayon kay Tolentino tatawagin itong “Du It!” Kung saan tampok ang mga kandidatong i-e-endorso ng Pangulo sa nalalapit na halalan.


Ilan sa mga kandidatong susuportahan ng pangulo ay mula rin sa Hugpong Ng Pagbabago (HNP) coalition ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at ng PDP-Laban.

Ani Tolentino kasama siya sa “Du It!” Slate ng Pangulo, maging si Dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go at dating PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Ang HNP ni Mayor Sara ay magsasagawa ng kick-off political rally sa February 12 sa Pampanga habang ang PDP-laban ay sa February 13.

Facebook Comments