PRRD, papanagutin ang sinumang mananakit o papatay sa mga miyembro ng simbahan

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag seryosohin ang kanyang biro tungkol sa mga adik sa droga at tambay na pumapatay at ninanakawan pa ang mga kaparian.

Ito ang panawagan niya matapos makatanggap ng mensahe mula kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na may ilang nagtatrabaho sa pamilya Duterte ang nagbabanta sa ilang pari.

Ayon sa Pangulo – posibleng mga taga-oposisyon ang nasa likod ng mga pagbabanta sa mga miyembro ng simbahan.


Aniya, ang kanyang biro tungkol dito ay tugon lamang sa pamumuna ng ilang kaparian laban sa kanya.

Babala ng Pangulo, sinuman ang mananakit at papatay sa mga miyembro ng anumang religious institution ay kanyang papanagutin.

Una nang sinabi ng Pangulo na bukas siya sa anumang kritisismo mula sa mga kaparian basta hindi gagamitin ang pulpito.

Facebook Comments